Add parallel Print Page Options

At hindi ko rin itinuring na karapat-dapat ang aking sarili na humarap sa inyo. Ngunit ipag-utos po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako man ay taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal na nasasakupan. Sabihin ko lang sa isa, ‘Humayo ka!’ at siya ay hahayo. Sa isa naman, ‘Halika!’ at siya ay lalapit. Gayon din sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at gagawin nga niya.” Namangha si Jesus pagkarinig dito at pagbaling niya sa mga taong sumusunod sa kanya ay nagsabi, “Sinasabi ko sa inyo, hindi ako nakakita ng ganitong pananampalataya sa Israel!”

Read full chapter