Font Size
Lucas 8:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 8:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Ang mga nalaglag sa daan ay ang mga nakarinig, ngunit nang dumating ang diyablo ay inagaw nito ang salita mula sa kanilang puso upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig sa salita at tumanggap dito nang may kagalakan. Ngunit sa kawalan ng ugat, sandali lamang sila nanampalataya at tumalikod sa panahon ng pagsubok. 14 Ang mga napadpad sa tinikan ay ang mga nakarinig ngunit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal ng kabalisahan, mga kayamanan at mga layaw ng buhay kaya't hindi nahinog ang kanilang bunga.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.