Font Size
Lucas 8:37-39
Magandang Balita Biblia
Lucas 8:37-39
Magandang Balita Biblia
37 Kaya't nakiusap kay Jesus ang mga Geraseno[a] na umalis na lamang siya sa kanilang lupain, sapagkat sila'y takot na takot. Kaya't sumakay siya sa bangka at umalis sa pook na iyon. 38 Nakiusap kay Jesus ang taong inalisan ng mga demonyo na siya'y isama nito.
Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, 39 “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.”
Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Jesus.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 8:37 Geraseno: Sa ibang manuskrito'y Gergeseno; at sa iba nama'y Gadareno .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.