Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo(A)

25 “May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat. 26 Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga bagay[a] sa kalawakan. 27 At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.[b] 28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay[c] dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:26 mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan.
  2. 21:27 kapangyarihan at kaluwalhatian: o, kapangyarihang nagniningning.
  3. 21:28 umasa kayo at maghintay: sa literal, tumayo kayo at tumingala.