Add parallel Print Page Options

Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang Panginoon kahit sa labas ng Israel.’ ”

Sinaway ng Panginoon ang mga Pari

Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? Nilalapastangan ninyo ako. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’ Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming[a] handog sa aking altar. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’[b] Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:7 marurumi: Ang ibig sabihin hindi dapat ihandog sa Dios.
  2. 1:7 Paano … handog?: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Paano ka namin nadungisan?