Font Size
Malakias 2:13-15
Ang Biblia, 2001
Malakias 2:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Ito rin ay inyong ginagawa: Tinatakpan ninyo ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng pagtangis, at ng pagdaing, sapagkat hindi na niya nililingap ang handog, ni tinatanggap na may kasiyahan sa inyong kamay.
14 Gayunma'y inyong sinasabi, “Sa anong dahilan?” Sapagkat ang Panginoon ay saksi sa pagitan mo at ng asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng kataksilan, bagaman siya'y iyong kasama, at iyong asawa sa pamamagitan ng tipan.
15 Ngunit wala ni isang gumawa niyon na mayroong nalabing Espiritu.[a] Ano ang ginawa niya noong naghahanap siya ng lahing maka-Diyos? Kaya't ingatan ninyo ang inyong espiritu, at huwag nang hayaang ang sinuman ay magtaksil sa asawa ng kanyang kabataan.
Read full chapterFootnotes
- Malakias 2:15 o Hindi ba ginawa niyang iisa, bagaman ang nalabing Espiritu ay nasa kanya, bakit iisa?