Add parallel Print Page Options

Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.[a] Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.

Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:3 Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga nangyayari sa mundo, katulad ng mga kalamidad na hindi mapipigilan ng tao.