Add parallel Print Page Options

Kamangmangan ang Maging Makasarili

Sinabi ko sa aking sarili, “Halika, subukan mo kung ano ang kahulugan ng kaligayahan; magpakasaya ka!” Subalit ito man ay walang kabuluhan.[a] Ang halakhak ay ipinalagay kong kahangalan at ang kaligayahan ay walang kabuluhan.[b] Sa pagnanasa kong makamit ang karunungan, ipinasya kong magpakalasing sa alak. Sa loob-loob ko'y ito na ang pinakamainam na dapat gawin ng tao sa maikling panahong ilalagi niya sa mundong ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 2:1 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 2:2 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .