Add parallel Print Page Options

Nakita ko ring ang tao'y nagpapakapagod upang mahigitan ang kanyang kapwa. Ngunit ito man ay walang kabuluhan,[a] tulad lang ng paghahabol sa hangin. Sinasabi nilang mangmang lamang ang maghahalukipkip ng kamay at magpapakamatay sa gutom. Ngunit mas mabuti pa ang isang dakot na may katahimikan, kaysa dalawang dakot ng pagpapakapagod, at paghahabol sa hangin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 4:4 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .