Add parallel Print Page Options

Sundin ang Hari

Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Dios na gagawin mo ito. Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasama sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya,[a] dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya. Makapangyarihan ang utos ng hari at walang makakatutol dito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:3 Huwag kang … sa kanya: o, Huwag kang aalis sa harapan ng hari; huwag kang pumunta sa delikadong lugar.