Add parallel Print Page Options

Pinagaling ang Isang Ketongin(A)

40 Lumapit sa kanya ang isang ketongin na nakikiusap at nakaluhod na nagsasabi, “Kung gusto mo, maaari mo akong linisin.”

41 Dahil sa awa, iniunat ni Jesus[a] ang kanyang kamay, hinipo ang ketongin at sinabi sa kanya, “Gusto ko, maging malinis ka.”

42 At kaagad na nawala ang kanyang ketong at siya'y naging malinis.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 1:41 Sa Griyego ay niya .