Add parallel Print Page Options

Natuyo ang Puno ng Igos

20 Kinaumagahan, sa pagdaan nila, nakita nila ang puno ng igos na natuyo simula sa mga ugat.

21 Nang maala-ala ito ni Pedro, sinabi niya: Guro, tingnan mo. Ang puno ng igos na iyong isinumpa ay tuyo na.

22 Sumagot si Jesus sa kanila: Manampalataya kayo sa Diyos.

Read full chapter