Font Size
Marcos 2:13-15
Ang Biblia, 2001
Marcos 2:13-15
Ang Biblia, 2001
Ang Pagtawag kay Levi(A)
13 At si Jesus[a] ay muling lumabas sa tabi ng lawa. Nagtipon sa paligid niya ang napakaraming tao at sila'y kanyang tinuruan.
14 Habang siya'y naglalakad, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa tanggapan ng buwis at sinabi sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo siya at sumunod sa kanya.
15 At nang siya'y nakaupo sa hapag-kainan sa bahay ni Levi,[b] maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang nakaupong kasalo ni Jesus at ng kanyang mga alagad sapagkat marami silang sumunod sa kanya.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 2:13 Sa Griyego ay siya .
- Marcos 2:15 Sa Griyego ay niya .