Font Size
Marcos 2:14-16
Ang Biblia, 2001
Marcos 2:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Habang siya'y naglalakad, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa tanggapan ng buwis at sinabi sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo siya at sumunod sa kanya.
15 At nang siya'y nakaupo sa hapag-kainan sa bahay ni Levi,[a] maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang nakaupong kasalo ni Jesus at ng kanyang mga alagad sapagkat marami silang sumunod sa kanya.
16 Nang makita ng mga eskriba ng[b] mga Fariseo na siya'y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit siya kumakaing kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”
Read full chapterFootnotes
- Marcos 2:15 Sa Griyego ay niya .
- Marcos 2:16 Sa ibang mga kasulatan ay at .