Add parallel Print Page Options

15 At nang siya'y nakaupo sa hapag-kainan sa bahay ni Levi,[a] maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang nakaupong kasalo ni Jesus at ng kanyang mga alagad sapagkat marami silang sumunod sa kanya.

16 Nang makita ng mga eskriba ng[b] mga Fariseo na siya'y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit siya kumakaing kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”

17 Nang ito'y marinig ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ang malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 2:15 Sa Griyego ay niya .
  2. Marcos 2:16 Sa ibang mga kasulatan ay at .