Add parallel Print Page Options

Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan.[a] Marami pa silang sinusunod na katuruang minana, tulad ng paghuhugas ng mga tasa, pitsel, sisidlang tanso, [at mga higaan].[b]) Kaya tinanong si Jesus ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi man lamang naghuhugas ng kamay ayon sa kaugalian.”

Sinagot(A) sila ni Jesus, “Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo, nang kanyang isulat,

‘Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang,
    sapagkat ito'y sa bibig at hindi sa puso bumubukal.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 7:4 Hindi…muna ito hinuhugasan: o kaya'y Hindi rin sila kumakain ng anuman pagkagaling nila sa palengke hangga't hindi muna sila nakakapaglinis ng kanilang mga sarili .
  2. Marcos 7:4 at mga higaan: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.