Add parallel Print Page Options

15 Sila ay pinagbilinan ni Jesus na sinasabi: Narito, mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo at sa pampaalsa ni Herodes.

16 Sila ay nangatwiranan sa isa’t isa na nagsasabi: Ito ay sapagkat wala tayong tinapay.

17 Sa pagkaalam nito sinabi sa kanila ni Jesus: Bakit kayo nangangatwiran sa isa’t isa? Ito ba ay dahil sa wala kayong tinapay? Hindi ba ninyo napag-iisipan at nauunawaan? Pinatigas na ba ninyo ang inyong puso?

Read full chapter