Add parallel Print Page Options

23 Sa paghawak ni Jesus sa kamay ng lalaking bulag, kaniyang inakay siya na palabas sa nayon. Niluraan niya ang mga mata ng bulag at ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniya. Tinanong siya ni Jesus: May nakita ka bang anuman?

24 Pagtingala niya ay kaniyang sinabi: Nakikita ko ang mga tao na parang mga punong-kahoy na lumalakad.

25 Muling ipinatong ni Jesus ang kamay niya sa kaniyang mga mata at muli siyang pinatingala. Siya ay napanauli at malinaw niyang nakikita ang lahat ng mga tao.

Read full chapter