Add parallel Print Page Options

Nang paalis na ang mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, “Bakit kayo nagpunta sa ilang? Ano ang nais ninyong makita? Isa bang tambo na hinihipan ng hangin? Bakit kayo pumunta sa ilang? Para makita ang isang taong may mamahaling kasuotan? Ang mga nagdaramit ng ganyan ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta?[a] Oo, siya'y propeta. At sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 11:9 Ano nga ba…Isang propeta?: Sa ibang manuskrito’y Bakit nga ba kayo lumabas? Upang makita ang isang propeta?