Add parallel Print Page Options

Kaya nangako siyang may panunumpa na ibibigay sa kaniya ang anumang hingin niya. Sa udyok ng kaniyang ina, sinabi niya: Ibigay mo sa akin dito ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo na nakalagay sa isang pinggan. Ang hari ay labis na nagdalamhati. Ngunit dahil sa kaniyang sinumpaan at sa mga kasalo niya sa dulang, iniutos niyang ibigay sa kaniya ang kahilingan.

Read full chapter