Add parallel Print Page Options

28 Nang magkagayon sinabi ni Jesus sa kaniya: O, babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ang ayon sa ibig mo. Mula sa oras ding iyon, gumaling ang kaniyang anak.

Pinakain ni Jesus ang Apat na Libo

29 Pagkaalis ni Jesus doon, nagtungo siya sa tabi ng lawa ng Galilea. Umahon siya sa isang bundok at doon naupo.

30 Lumapit sa kaniya ang napakaraming tao. Dinala nila ang mga pilay, ang mga bulag, ang mga pipi at ang mga may kapansanan, at marami pang iba. Inilagay nila sila sa kaniyang paanan at pinagaling niya sila.

Read full chapter