Add parallel Print Page Options

Tinanong(A) siya ng mga Pariseo, “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya ito palayasin?”

Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. Ito(B) ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya][a] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 19:9 itinutulak niya...na mangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. Mateo 19:9 at ang mag-asawa...ng pangangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.