Font Size
Mateo 2:21-23
Ang Biblia, 2001
Mateo 2:21-23
Ang Biblia, 2001
21 Kaya't bumangon siya at dinala ang sanggol at ang ina nito at pumunta sa lupain ng Israel.
22 Ngunit nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Dahil pinagsabihan siya sa pamamagitan ng panaginip, nagtungo siya sa nasasakupan ng Galilea.
23 Siya(A) ay nanirahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret upang maganap ang sinabi ng mga propeta na “siya ay tatawaging Nazareno.”
Read full chapter