Add parallel Print Page Options

25 “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan ayon sa inyong seremonya, ngunit ang loob ng puso ninyoʼy puno naman ng kasakiman at katakawan.[a] 26 Mga bulag na Pariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito.[b] 27 Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Katulad kayo ng mga libingang pininturahan ng puti at magandang tingnan sa labas, pero ang nasa loob ay puro kalansay at iba pang maruruming bagay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:25 ngunit … katakawan: o, ngunit ang laman ng mga ito ay galing naman sa inyong kasakiman at katakawan.
  2. 23:26 Linisin … labas nito: Ang ibig sabihin, Dapat maging malinis ang kalooban ninyo, at magiging malinis din ang inyong mga iniisip at ginagawa.