Add parallel Print Page Options

20 Nang gabing iyon, dumulog sa hapag si Jesus, kasama ang Labindalawa.[a] 21 Sinabi ni Jesus habang sila'y kumakain, “Tinitiyak ko sa inyo, ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo!”

22 Nanlumo ang mga alagad, at isa-isang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba, Panginoon?”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:20 Labindalawa: Sa ibang manuskrito'y labindalawang alagad .