Font Size
Mateo 26:26-28
Ang Biblia, 2001
Mateo 26:26-28
Ang Biblia, 2001
Ang Banal na Hapunan(A)
26 Habang sila'y kumakain ay dumampot si Jesus ng tinapay, binasbasan niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kainin ninyo; ito ang aking katawan.”
27 At kumuha siya ng isang saro[a] at nang makapagpasalamat ay ibinigay sa kanila, na nagsasabi, “Uminom kayong lahat nito,
28 sapagkat(B) ito ang aking dugo ng tipan,[b] na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:27 o kopa .
- Mateo 26:28 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .