Add parallel Print Page Options

Pinahirapan ng mga Sundalo si Jesus(A)

27 Dinala ng mga sundalo si Jesus sa loob ng palasyo ng gobernador, at nagtipon ang buong batalyon ng mga sundalo sa paligid niya. 28 Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. 29 Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang tungkod sa kanyang kanang kamay bilang setro[a] niya. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 27:29 setro: sa Ingles, “scepter,” na sumisimbolo ng kapangyarihan ng isang hari.