Font Size
Mateo 3:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 3:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Pinigilan siya ni Juan. “Ako nga itong dapat magpabautismo sa iyo,” sabi niya, “ngunit ikaw pa ang lumalapit sa akin?” 15 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus, “Pumayag ka nang mangyari ito ngayon, sapagkat dapat nating gampanan ang buong katuwiran.” Sumang-ayon si Juan. 16 At nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Noon din ay nabuksan sa kanya ang kalangitan, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng kalapati, at dumadapo sa kanya.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.