Add parallel Print Page Options

Ito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan, dahil malapit na[a] ang paghahari ng Dios.”[b] Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya,

“Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang, na nagsasabi:
‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon.
Tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang dadaanan.’ ”[c]

Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang kinakain niya ay balang at pulot-pukyutan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:2 malapit na: o, dumating na.
  2. 3:2 Dios: sa literal, langit. Ang salitang “langit” ang ginagamit ng mga Judio kapalit sa pangalan ng Dios bilang tanda ng paggalang.
  3. 3:3 Isa. 40:3.