Font Size
Mateo 5:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 5:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, kung ang inyong pagiging matuwid ay hindi hihigit sa pagiging matuwid ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit.
Turo tungkol sa Galit
21 “Narinig ninyong sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay, at sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; sinumang magsabi sa kanyang kapatid, "Raca",[a] ay pananagutin sa Sanhedrin; at sinumang magsabi, ‘Ulol ka’ ay mananagot sa impiyernong nagliliyab sa apoy.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 5:22 Sa Griyego, “magsabi ng Raca”. Isang salitang Aramaico na ginagamit sa panlalait.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.