Add parallel Print Page Options

20 Kaya nga, makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa kanilang mga gawa.”

Hindi Kikilalanin ng Dios ang mga Gumagawa ng Masama(A)

21 “Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian. 22 Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng inyong salita, nagpalayas ng masasamang espiritu at gumawa ng maraming himala?’

Read full chapter