Mateo 23:16-22
Ang Biblia (1978)
16 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, (A)Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya.
17 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, (B)o ang templong bumabanal sa ginto?
18 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.
19 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o (C)ang dambana na bumabanal sa handog?
20 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito.
21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at (D)yaong tumatahan sa loob nito.
22 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978