Add parallel Print Page Options

Magsidalangin nga kayo ng ganito: (A)Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

10 (B)Dumating nawa ang kaharian mo. (C)Gawin nawa ang iyong kalooban, (D)kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.

11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

12 At (E)ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.

13 (F)At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami (G)sa masama. Sapagka't[a] iyo ang (H)kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.

14 Sapagka't kung ipatawad ninyo (I)sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.

15 Datapuwa't (J)kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 6:13 Ang ibang mga kasulatan ay wala nito.