Mateo 21:17-22
Ang Biblia (1978)
17 At sila'y kaniyang iniwan, at pumaroon sa labas ng bayan sa (A)Betania, at nakipanuluyan doon.
18 Pagka umaga nga nang siya'y bumabalik sa bayan, (B)nagutom siya.
19 At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos.
20 (C)At nang makita ito ng mga alagad, ay nangagtaka sila, na nangagsasabi, Ano't pagdaka'y natuyo ang puno ng igos?
21 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (D)Kung kayo'y may pananampalataya, at (E)di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo (F)sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari.
22 At (G)lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978