Font Size
Mga Awit 106:34-36
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 106:34-36
Magandang Balita Biblia
34 Di(A) nila nilipol ang lahat ng taong naro'n sa Canaan,
bagama't ito'y iniutos ni Yahweh na dapat gampanan.
35 Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,
at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.
36 Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,
sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.