Add parallel Print Page Options

(A)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
(B)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(C)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.

Read full chapter