Add parallel Print Page Options

18 (A)Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni (B)magkindat man ng mata (C)ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.

Read full chapter