Add parallel Print Page Options

Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
(A)Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
(B)Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
(C)Ang aking pagasa ay nasa iyo.
Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(D)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.

Read full chapter