Add parallel Print Page Options

Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (A)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (B)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.

Read full chapter