Add parallel Print Page Options

18 At(A) sa dakong matataas doon siya nagpupunta,
    umaahon siya roon, mga bihag ang kasama;
    kaloob mang nagbubuhat sa tauhang nag-aalsa,
tinatanggap ng Panginoong Yahweh na doon na tumitira.
19 Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas,
    dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)[a]
20 Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
    si Yahweh ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
    Sa bingit ng kamataya'y hinahango tayo agad.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Awit 68:19 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.