Add parallel Print Page Options

47 Sinira(A) niya ang kanilang ubasan ng ulang yelo,
    at ng namuong hamog ang kanilang mga sikomoro.
48 Ibinigay niya sa yelong-ulan ang kanilang mga hayop,
    at ang kanilang mga kawan sa mga kidlat at kulog.
49 Sa kanila'y pinakawalan niya ang bangis ng kanyang galit,
    poot, bagsik, at ligalig,
    isang pulutong ng mga pumupuksang anghel.

Read full chapter