Mga Bilang 15:24-26
Ang Biblia (1978)
24 Ay mangyayari nga na kung magkasala ng walang malay, na hindi nalalaman ng kapisanan, na ang buong kapisanan ay maghahandog ng isang guyang toro na pinakahandog na susunugin, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, na (A)kalakip ng handog na harina niyaon at inuming handog niyaon, ayon sa ayos, (B)at isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan.
25 (C)At itutubos ng saserdote sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sila'y patatawarin; sapagka't isang kamalian, at kanilang dinala ang kanilang alay, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ang kanilang handog dahil sa kasalanan sa harap ng Panginoon, dahil sa kanilang kamalian:
26 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay patatawarin at ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila; sapagka't tungkol sa buong bayang nakagawa ng walang malay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978