Font Size
Mga Bilang 19:12-14
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 19:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Upang maging malinis muli, kailangang linisin niya ang kanyang sarili sa ikatlo at ikapitong araw sa pamamagitan ng tubig na inilaan para dito. Kapag hindi niya ginawa ito, hindi siya magiging malinis. 13 Sinumang humawak ng bangkay at hindi maglinis ng sarili sa pamamagitan ng tubig na panlinis ay nagpaparumi sa tabernakulo ni Yahweh. Siya'y mananatiling marumi habang panahon, at ititiwalag sa sambayanang Israel.
14 “Ito ang tuntunin kapag may namatay sa loob ng tolda: lahat ng naroroon o sinumang pumasok doon ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.