Font Size
Mga Bilang 23:8-10
Ang Biblia (1978)
Mga Bilang 23:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios?
At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?
9 Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya,
At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan:
Narito, siya'y isang (A)bayang tatahang magisa,
At (B)hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.
10 (C)Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng (D)kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978