Add parallel Print Page Options

23 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.

24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin:

25 (A)Dadalhin nila ang mga (B)tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang (C)panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan;

Read full chapter