Add parallel Print Page Options

Salitain mo sa mga anak ni Israel, Pagka ang isang (A)lalake o babae ay nakagawa ng anomang kasalanan na nagagawa ng mga tao, na sumasalangsang laban sa Panginoon at ang gayong tao ay naging salarin;

(B)Ay kaniyang isusulit nga ang kaniyang kasalanang nagawa: (C)at kaniyang pagbabayarang lubos ang kaniyang sala, at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi at ibibigay sa pinagkasalahan.

Datapuwa't kung ang lalake ay walang kamaganak na mapagbabayaran ng sala, ay mapapasa saserdote ang kabayaran ng sala na handog sa Panginoon, (D)bukod sa tupang lalaking pinakatubos na ipangtutubos sa kaniya.

Read full chapter