Add parallel Print Page Options

18 Nang marinig nila ang mga ito, tumahimik sila at niluwalhati ang Diyos, na sinasabi, “Kung gayo'y binigyan din ng Diyos ang mga Hentil ng pagkakataong magsisi upang magkamit ng buhay.”

Ang Iglesya sa Antioquia

19 Samantala, (A) nagkawatak-watak ang mga mananampalataya dahil sa pag-uusig na nangyari kay Esteban. Naglakbay sila hanggang sa Fenicia, sa Cyprus, at sa Antioquia. Sa mga Judio lamang nila ipinangangaral ang salita saanman sila makarating. 20 Gayunman, mayroon sa kanilang taga-Cyprus at taga-Cirene na pagdating sa Antioquia ay nangaral din sa mga Griyego tungkol sa Panginoong Jesus.

Read full chapter