Add parallel Print Page Options

43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y (A)hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.

44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.

45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay (B)nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.

Read full chapter