Add parallel Print Page Options

45 Nang makita ng mga Judio ang napakaraming tao, napuno sila ng inggit, kaya sinalungat nila ang mga sinasabi ni Pablo at nilait siya. 46 Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana kailangang ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya't sa mga Hentil na kami pupunta. 47 Ganito (A) ang iniutos sa amin ng Panginoon,

‘Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil,
    upang ikaw ay maghayag ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’ ”

Read full chapter