Font Size
Mga Gawa 14:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 14:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Gayunma'y hindi niya hinayaang mawalan siya ng saksi sa mga kabutihang kanyang ginawa. Binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng mga masaganang panahon; binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuno ng kagalakan ang inyong mga puso.” 18 Sa kabila ng mga salitang ito'y bahagya lamang nilang napigil ang napakaraming tao sa paghahandog sa kanila.
19 Ngunit dumating doon ang mga Judiong buhat sa Antioquia at Iconio; at nang maudyukan nila ang maraming tao, pinagbabato nila si Pablo at kinaladkad siya sa labas ng lungsod, sa pag-aakalang siya'y patay na.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.